Click Image to Say Thank you. Theme images by MichaelJay. Powered by Blogger.

Tags

Download Here

Thursday, October 12, 2023

Bakit mababa ang presyo ng baboy?



https://i.ytimg.com/vi/uUSx9OTjwZ0/hqdefault.jpg);" width="480">

 Magandang araw mga ka backyard. Madalas na mga nababasa nating topic sa mga facebook group ay tungkol sa live weight price ng baboy. Bakit nga ba napakababa ng Lw price sa bicol ? Ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit mababa ang presyo ng baboy samantalang napakataas ng presyo ng feeds. Sino nga ba ang may control ng presyo? Sino ba ang dapat nating lapitan at kalampagin?

Sa mahigit limang taon ko na pag aalaga ng baboy ngayong taon lang sobrang lugi ang mga nag aalaga at halos mabaon sa utang dahil sa hindi tumataas ang presyo.

Si buyer nga ba at ahente ang makakatulong satin? sila nga ba ang may kasalanan sa mababang presyo? Ang mga trader o hauler ay mga negosyante na namumuhunan upang mamili ng baboy at tutubuan din nila ito bago makarating sa market. Wala silang sino sunod na presyo dahil wala namang naka takdang presyo o taripa ng baboy . Sa panahon ngayon madali na nating malaman ang presyo ng buyer dahil sa tulong ng facebook. kahit presyo sa ibang lugar ay nalalaman na din natin. kung walang standard price na ilalabas ay sila ang masusunod  dahil ang mga buyer ay mga negosyante na nag aagawan din ng customer nila at kung sino ang may mababang presyo ay don kukuha ang may mga pwesto sa market.

Ang pinaka ugat po ng lahat ay kahit noong umpisa ako mag alaga ay wala po talagang standard pricing ang presyo ng baboy. Nag dedepende po ito sa tinatawag na supply and demand na halos lahat ng agri products ay dito din naka base ng presyo.

Ano nga ba ang law of supply and demmand? 

Ang law of supply and demand ay kapag maraming supply at mababa ang demmand or pangangailangan ng produkto ay babagsak ang presyo dahil marami ang pag kukunan ng mga buyer. kaya mapapansin niyo sa biuwan ng nobyembre hanggang enero ay mataas ang presyo ng baboy dahil mataas ang demmand. Halimbawa din natin ang palay kapag anihan ay bumababa ang presyo nito pero kapag kakatapos lng mag tanim ay tumataas ang presyo dahil kukunti ang supply.

Ang isa pa sa problema nating mga hog raisers ay hindi tayo pinapansin ng gobyerno madalas mga rice farmer ang binibigyan ng mga programa at ayuda.halimbawa lebreng mga binhi at abono.pero sa mga hog raisers may nabalitaan na ba kayo nag bigay ng feeds?nag labas din ng fix price ang gobyerno sa presyo ng palay at bigas, ibig sabihin kung kaya nila mag takda ng presyo sa bigas bakit hindi sa presyo ng baboy at karne?

Ang nakikita kung sulosyon ay dapat kalampagin natin ang Department of agriculture na dapat tumutolong sa lahat ng nasasakupan nila. hindi lamang sa mga magsasaka kundi pati sating mga hog raisers tayong mga mamayan ang nag papasahod sa kanila kaya dapat lng na tulungan nila tayo.

Kung hindi natin ito magagawa ay patuloy ang ganitong sistema. 


No comments:
Write comments

Services

© 2014 .. Designed by Bloggertheme9 | Distributed By Gooyaabi Templates
Powered by Blogger.